CRAMMING






Image result for cramming

Time is Gold.” Gasgas na sa ating pandinig pero maraming ibig sabihin. Tatlong salitang malaki ang magiging epekto sa ating mga estudyante. Sa dami ng gawain, mga librong dapat basahin, mga papel na dapat ipasa, ang ORAS ay isa sa pinaka mahalaga at hindi dapat balewalain.


                Sa tatlong taon kong pag aaral sa kolehiyo, masasabi ko na ang lahat ay dapat nasa oras. Sa pag gising palang sa umaga alam mo na ang dapat unahin at dapat mong gawin dahil kong babaliwalain mo ito ang resulta ay “CRAMMING”. Maraming estudyante ang di alam ang ibig sabihin nito. Ano nga ba ang cramming at ano ang ibig sabihin nito?


`               1. Madalas na nag ka cram ang isang tao kapag tambak ang gawain at hindi niya alam kung saan mag sisimula.


                2. Isa din sa dahilan ay kung malapit na ang deadline of submission ng isang proyekto at sunod-sunod ang exam.


                3. Maaari ding mag karoon ng “mental block” ang isang tao kaya hindi agad matapos ang gawain.


                Ang CRAMMING ay resulta ng hindi balanseng paggamit ng oras. Maiiwasan natin ito kung mag kakaroon tayo ng disiplina sa sarili. Bilang estudyante, kailangan nating matuto ng tamang paggamit ng oras. “Time is Gold.” Madaling sabihin, mahirap gawin.

Comments